Saturday, February 25, 2017

De Lima Nakakulong Na sa CRAME !!!



DELIMA  Nakakulong na sa PNP Custodial Center, Camp Crame dahil sa kaniyang mga kasong kaugnay sa illegal na droga kusa naman itong sumama kahapon (February 24, 2017) sa mga myembro ng CIDG na nagsilbing warrant of arrest ng Senado. 

Ayon sa report, tanging si De Lima lamang ang babae ngayon na nakakulong dito sa PNP Custodial Center, at kasama nya dito sina dating Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada na nakulong dahil sa Pork Barrel Scam noong dati pang Justice Secretary si De Lima.  Mapapansin din sa mugshot ni De Lima, na suot niya pa rin ang kaniyang scarp na siyang trademark nito. 

Hindi naman siya pinabayaan ng kaniyang mga kapartido sa Liberal Party at sa kaniyang Press Con bago siya nagpakulong,  magkahalo ang naging emosyon nito kasama na diyan ang galit at ang concern sa kaniyang pamilya, at ang seguridad nito.

Sinabi pa rin ni De Lima na siya ay inosente at walang kinalaman sa illegal na droga, at walang katotohanan ang mga binebentang sa kaniya, at kahit daw siya ay nakakulong na ay hindi siya titigil laban sa Duterte Administration.

Samantala ang kaniyang Driver/Body Guard na si Ronnie Dayan ay concern sa seguridad ni De Lima ayon sa kaniya magingat daw ang senadora sa mga bagong mukha na nagaaligid dito.

Mga Reaksyon ng mga Netizen :

Halos ikinatuwa naman ang pangyayaring ito ng mga netizen, na sa wakas nakakulong na si De Lima.

Bago ikulong, Nagalit naman ang ibang mga netizen sa mga matapang na pahayag at paninindigan ni De Lima na wala daw siyang kasalanan o kinalaman sa illegal na droga,

Nagsasabi nga ba ng totoo si De Lima o sadyang tinatakpan niya lamang ang kaniyang sarili para magmukha siyang malinis sa bayan?


Ano masasabi mo sa post na ito? please comment below.
Nagustuhan mo ba ang post na ito, please like and share.

No comments:

Post a Comment