Sunday, February 19, 2017

Sari Saring Mga Hugot Lines




Kapag sinabihan ka nang: “Ang ganda mo!”, mag-thank you ka na lang. Minsan ka na nga lang sabihan, mag-iinarte ka pa.

Sa LOVE, walang bingi; walang bulag; walang pipi…pero TANGA marami.

Ang landian ay parang pagkain lang. Pag nasobrahan, nakakalaki ng tiyan.

May Forever. Kulang nga lang sa EFFORT. Kung hindi siya nag-kulang, baka ikaw.

Kumusta na nga pala yung kaspark mo dati? Nakuryente na ba?

Aanhin pa ang tiwala, kung ang hinala ay laging tumatama?

Kaysa mabuwisit, love your “haters”. Sila ang ebidensiya na hindi ka pa nga artista, may mga fans ka na

Kapag umiwas ka sa away, hindi ibig sabihin nun duwag ka. Pinakita mo lang sa kanila na may pinag-aralan ka.

Ang mga haters, parang mga imbestigador yan. Dahil nakasunod sila sa lahat ng galaw mo at binabantayan pa pati wall mo. In short, They're stalking you.

Aanhin mo ang palasyo kung walang internet connection dito. Mabuti pang mag-stay sa bahay kubo, sa Wi-Fi zone nakapuwesto.

Bakit hindi na lang magtagpo ang mapagmahal at seryoso tapos hayaan na lang nating maglokohan ang timer at manloloko?

Yung wala kang magawa kundi sulyapan lang sya mula sa malayo dahil hindi na sya sayo.

Ang mabuting lalaki, “stick to one”, hindi 3 in 1.

Labs, para kang damit na suot ko ngayon. Simple lang pero bagay sa akin.

Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Pero kung pinagmumukha ka nang tanga, iwan mo na.

Kapag sumama ka sa matatalino, tatalino ka rin. Kapag sumama ka sa adik, magiging adik ka rin. Try mong sumama sa akin, baka sakaling maging akin ka rin.

Naniniwala ako sa FOREVER, pero tanggapin na lang naten na hindi nababagay sa pag-ibig ang salitang FOREVER.

Okay na yung mahulog ka sa mabahong kanal kesa naman sa taong di ka mahal

Hindi tanga yung taong nagmamahal ng sobra. Mas tanga yung taong minamahal na nga tapos maghahanap pa ng iba.

Bakit hindi na lang magtagpo ang mapagmahal at seryoso tapos hayaan na lang nating maglokohan ang timer at manloloko?

Nag-eemote ka nanaman ng dahil sakanya?! MATULOG KA NA!!

Hindi kahit kelan naging basehan ang kagwapuhan para mangloko ng kababaihan.

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal

Kung hindi mo mahal ang isang tao, 'wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya

Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin

Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang


* sari saring mga hugots sa internet.. 
ikaw anu hugot mo? 

No comments:

Post a Comment