ANG Kalabaw ay isa sa pambansang hayop nang Pilipinas, sa dahelan na ito ay isa sa matalik na kaibigan ng mga magsasaka at katulong nila sa palayan. Oo, napakalaki ngang tulong nito sa mga magsasaka napapadali ang kanilang gawain at nakaktulong din ito sa pagdala ng mga produkto papunta sa pamilihan lalo na sa mga probinsiya at sa mga nakatira sa bundok.
Kung pagmamasdan natin ang mga kalabaw para bang napakalakas nila, pero alam niyo ba na madali na napapagod ang kalabaw sa ilalim ng malakas na init kaya naman hinahayaan ng mga may ari na magbabad ito sa putikan at ang iba pa ay dinadala nila ito sa may ilog o sa kung saan na may tubig upang paliguan.
Ano ano ang mga kinakain ng kalabaw?
Nariyan ang mga damo, dahon, gulay at iba pa. at ayon sa pagsasaliksik ang kalabaw ay maaring kumain ng darak at pulot na may halong tubig.
Haba ng buhay?
Karaniwan na nabubuhay ang isang kalabaw sa loob ng 25 taon.
Alam niyo ba?
Sa kasalukuyan ayon sa isang pagsasaliksik na may 3.2 milyong kalabaw ang matatagpuan sa Pilipinas.
Ginagamit din ang kalabaw hindi lang upang gamitin bilang katulong sa palayan, kundi ginagamit din bilang negosyo.
No comments:
Post a Comment