SI Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala sa tawag na Jose Rizal ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna, ang kaniyang mga magulang ay sina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Si Jose Rizal ay pampito sa magkakapatid, meron siyang siyam na kapatid na babae at isang kapatid na lalaki*.
Masasabing si Jose Rizal ay lumaki sa isang pamilyang sagana sa pangangailangan dahil sa kasipagan ng kaniyang mga magulang, tulad nang kaniyang ama ay isang matagumpay na negosyante at magsasaka at ang kaniyang ina naman ay isang matalino at edukada na mahilig sa literature at mathematics na namamahala sa kanilang tindahan sa baba ng kanilang bahay.
Subalit, sa murang edad nasaksihan na ni Jose Rizal ang kalupitan at karahasan ng mga kastila sa Pilipino nang pagbintangan ang kaniyang ina sa kasalanang hindi naman niya ginawa, hanggang sa nakulong ito nang mahigit dalawang taon, kasama na diyan ang pagpatay sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora.
Sa panahong din na iyon pinagiinitan nang mga kastila ang mga Pilipinong matatalino at may kakayahan kaya naman pinipigilan nila ito na kumuha ng magandang edukasyon,subalit si Jose Rizal ay di nila napigilan dahil nakapagaral ito sa magagandang unibersidad o eskwelahan tulad ng Ateneo Municipal de Manila, University of Santo Thomas, Nakapagaral din siya sa isang unibersidad sa Madrid Spain sa tulong ng kaniyang kapatid na si Paciano sa Unibersidad Central de Madrid at nagpatuloy sa University of Paris at sa University of Heidelberg.
Kaya nakilala si Rizal bilang magaling na Doctor, pintor, arkitekto, magsasaka, guro, enhinyero, manunulat at iba pa.
Ihinayag ni Rizal ang kaniyang pagiging makabayan at tumulong upang mabuksan ang isipan nang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang kalayaan. Ginamit niya ang kaniyang kakayahan na pagsusulat. Ang pinakatampok niya na akda ay ang kaniyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo#.
Hanggang siya ay inakusahan, binaril at pinatay noong December 30 1896.
Laman ng sulat ni Rizal bago siya binaril at pinatay :
Sulat sa kaniyang pamilya, sa wikang englis ang sabi ay "Treat our aged parents as you would wish to be treated...Love them greatly in memory of me...December 30, 1896." dagdag pa niya "Bury me in the ground. Place a stone and a cross over it. My name, the date of my birth and of my death. Nothing more. If later you wish to surround my grave with a fence, you can do it. No anniversaries!"
Sulat niya kay Blumentritt : Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion. I am going to die with a tranquil conscience.
ALAM MO BA?
* Mga kapatid ni Jose Rizal ay sina Paciano, Saturnina, Olympia, Narcisa, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.
# Naging inspirasyon ni Jose Rizal sa dalawa niyang Nobela ay ang kaniyang naging kasintahan na si Leonor Rivera, papakasalan na niya sana ito subalit hindi pumayag ang kaniyang ama dahil maaring manganib ang buhay nang pamilyang Rivera.
sources : www.joserizal.ph, https://en.wikipedia.org/wiki/José_Rizal, www.biography.com/people/josé-rizal-39486
No comments:
Post a Comment