Friday, December 22, 2017

Dear Diary BY: PromiseBeBroken07


Dear Diary,  

Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal mo ang isang tao, minsan may mga pagkakataon na maiisip mo sya, pero ang mahirap paniwalaan yong tipong kusa nalang siyang pumapasok sa isip mo at bigla mong maaalala ang mga nakaraan nyo! 

Meron bang ibig sabihin ito? Mahal ko pa ba sya? Malamang hindi ko yan masasagot sa ngayon. Pero isa lang ang masasabi ko naging bahagi sya ng buhay ko! 

Mahal ko pong Dairy hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako nagkakaganito? Kung Oo ang sagot mo, malamang gusto kong sabihin na ok lang naman pala ang magmahal ng kaunting panahon, nyong pagmamahal na higit pa sa isa o tatlong taon nanagawa nyo sa isang araw lang! 

Akala ko walang puwang na ang buhay ko sakabila ng pagkahapo na aking nadarama at kinakaharap! Pero nung dumating ka sa buhay ko binigyan mo ng pag-asa kung bakit ako naging masaya at matatag-ulit sa paglalakbay! 

Alam mo ba na ikaw ang unang babae sa Buhay ko? Natanong mo ba sa sarili mo na kung bakit ika’y di’ko malimot-limot? Napakasama mo talaga! Bakit? Kasi naaalala ko ang mga ngiti mo, nyong magka holding hands tayo habang naglalakad at nagtatawanan sa mga joke na ang corny-corny kaya nga favorite ko ang popcorn dahil napapangiti ko ang isang tulad mo! 

Yong magkasama tayong kumain na para bang nasa kaharian kita at ako ang iyong lingkod, at maghapong nagkukulitan na para bang aso’t pusa na nagbabangayan. Pero ang lahat nang nyan ay isang magandang alala nalang na nagbibigay inspirasyon sa lahat nang mambabasa na may mga bagay talaga na kay bilis-bilis at ang kailangan mo nalang ay tanggapin na ito’y hanggang sa alaala nalang at hindi na maibabalik!  

No comments:

Post a Comment