(c) Adrian Laurente |
LIGÑON Hill isa sa mga paborito kong pasyalan sa Bicol, matatagpuan ito sa Legazpi City, Albay Philippines, kung gusto mong mag-emote, mapagisa o kaya naman gumala kasama ang buong pamilya, kaibigan, special someone itong lugar ang nababagay saiyo.
Habang paakyat ka dito madadaanan mo ang Japanese Tunnel, makikita mo dito yong mga lumang gamit nang mga hapon at kanilang uniform. Kaya lang nakakabitin nga lang di siya ganon kahabang tunnel, pero ganunpaman siguradong mageenjoy ka habang paakyat ka sa Lignon Hill dahil sa sarap nang simoy ng hangin na siyang nagpapawi ng iyong pagod habang paakyat.
Makikita mo rin habang paakyat ang halos buong albay ang magagandang tanawin tulad ng Mayon Volcano, kung mahilig ka sa adventure puede mong subukan ang kanilang "Kapit Tuko" na para ka bang tuko na kumakapit habang paakyat na para saamin shortcut na din kaya lang talagang pagpapawisan ka pero masaya.
Syempre pa, mapapawi ang iyong pagod kapag nasa tuktok ka na nang Lignon Hill dahil dito mo na talaga matatanaw ang magagandang view kasama na nga diyan tulad nang binanggit natin kanina ang Mayon Volcano.
Sa taas may mga bilihan nang souvenir items tulad ng damit at keychains. Dagdag pa saiyong adventure ang zip line.
Kaya ano pa hinihintay mo? Ngayong summer isama na ang buong pamilya, si BFF si GF/BF at magadventure na sa Lignon Hill, magdala lamang ng tubig para di mauhaw, mas maipapayo ko bumili na rin pagkain kasi sa taas may mga pagkain nga naman kaya lang talang super rich naman ang presyo, pero nasa iyo parin iyan kung gusto mo makatipid baon ka na nang pagkain na hindi masyadong pabigat para hindi makaabala sa pagakyat.
Sa baba din nang Lignon Hill nandiyan naman ang wildlife makikita mo ang sari saring mga hayop at ang kanilang magandang park na napakagandang pasyalan na siguradong mag eenjoy ka..
Talaga naman na masasabi mong its More Fun sa Pinas!!!
Isama na yan sa listahan mo ngayong summer at ikwento saamin ang iyong experience sa pagpunta sa Lignon Hill!!
No comments:
Post a Comment