SA ngayon talagang laganap ang cyber bullying ayon sa isang statistics halos isa sa tatlong katao ang nabibiktima o nakakatanggap nang mga banta sa internet at mahigit dalawampu't lima na mga adulto at kabataan naman ang ilang ulit na nabubully sa kanilang cellphone o sa internet at ang nakakalungkot pa halos kalahati ng mga kabataan ang hindi nagsusumbong sa kanilang mga magulang kapag sila ay nabubully kaya ano ang nagiging resulta? Totoo, nakakalungkot isipin na marami ang nagpapakamatay nalang dahil sa ganitung bully.
Kaya naman dapat tayo na maging maingat sa paggamit nang ating social media accounts, magbibigay kami nang ilang mga tips na dapat nating gawin para makaiwas sa CyberBullying.
1. Protektahan ang iyong Social Media Accounts : Gumamit ng password na hindi madaling hulaan, maraming mga letra at numero mas maganda, isa sa aking social accounts na password ay may 50 characters puede mo rin gawin iyan..
Huwag gumamit nang mga password na madaling hulaan tulad nang birthday, pangalan, cellphone number at iba pa..
Huwag ipaalam sa iba ang iyong password kahit sa matalik mo pang kaibigan ito.
Kapag may nakakaalam, palitan kaagad..
2. Think Before Upload : Sa ngayon marami ang upload nalang ng upload na hindi pinagiisipan resulta? nabubully sa internet. Kaya tiyakin mabuti na ito ba ay kaaya-aya at tanungin ang sarili kung ano ang masasabi ng iba kung i-upload mo ang nasabing larawan lalo na kung ito ay rated SPG. (alam nio na ibig kong sabihin haha)
Magtanong sa nakakatanda, tulad saiyong magulang.
3. Think Before you Post : Marami ngayon ang nababash dahil sa kanilang pinopost sa social media kaya maging maingat, kung hindi ka handa na magkaroon nang mga bashers, magingat ka..
4. Think Before You Click : Sa isang sikat na network ginamit nila ang slogan nito para maging aware ang lahat sa CyberBullying, Oo nga naman maging maingat sa mga niclick natin tulad nang narerecieve nating mga emails o mensahe galing sa hindi naman natin kilala. Maingat sa pagclick dahil maari itong maglaman nang mga VIRUS o makuha ang iyong personal na impormasyon.
5. Huwag Kalimutan na iLogOut ang iyong Accounts : Reccomended ito lalo na kung nagbubukas ka nang iyong social media account sa labas tulad sa computer shop. Marami na ang nabiktima nito.
6. Set up your Privacy Settings : sa mga Social Media accounts tulad ng Facebook meron jan makikita nang privacy settings matalinong gamitin ito, huwag ilagay sa Public ang mga hindi dapat makita nang publiko tulad ng iyong Contact Information, kasama na diyan ang iyong Cellphone Number, Address at iba pa..
7. Kapag may nagbully sayo, huwag mahiyang magsumbong sa magulang o kung mas malala ang pambubully humingi na nang tulong sa awtoridad.
8. Golden Rule : Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo ng iba, Dahil marami ngayon ang nabubully dahil sa kagagawan din naman nila kaya tulad ng sabi natin Think Before You Post, at sa madaling salita Huwag MagBully sa iba Huwag magsalita nang nakakasakit sa iba.
9. Magsaliksik kung paano pa makaiwas nang higit sa CyberBullying Magbasa nang mga tips at mga paraan para maiwasan ito.
10. Ikapit ang natutuhan sa kung paano makaiwas sa CyberBullying Disiplina ang kailangan.
Para sa mga magulang : Tulungan ang inyong mga anak at turuan sila tungkol dito, at ipadama sa kanila na nariyan kayo palagi para sa inyong mga anak para madali silang lumapit sainyo kapag may dumating na mga problema.
Nawa'y makatulong ang simpleng tips na ito, at feedback na lamang po kayo about sa post na ito.
No comments:
Post a Comment