Wednesday, June 28, 2017

MARAWI CRISIS NEWS UPDATES


Sa loob nang mahigit isang buwan (nagsimula ang krisis sa marawi noong May 23, 2017) marami na ang namamatay na mga sibilyan, mga sundalo, kasama na ang mga teroristang grupo na tinatawag na MAUTI na sinusupurtahan daw umano ng ISIS (Islamic State militant group). 

Ayon sa isang report tinatayang 71 na mga pulis at sundalo ang namatay sa bakbakan, samantalang 299 naman sa teroristang grupo ngayong June 28, 2017. Subalit may mga narerekober rin na mga sibilyan na namatay sa engkwentro ayon sa isang source meron na itong 27 at maari pa itong madagdagan, at patuloy parin inaalam ang pagkakilanlan ng mga narekober na bangkay.

May mga nakuha rin na mga pasaporte nang mga indonesian sa isang bahay na dating hawak nang mga Mauti at ASG, Inaalam na ngayon ng Militar kung kasama ba ito ng mga Mauti o kabilang sila sa mga bihag. 

Tiniyak naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling uunlad at babangon ang Marawi, nalulungkot si Pangulong Duterte sa nangyaring ito. Samantala ayon sa DILG 10 Bilyon na ayuda ang ilinaan para sa muling pagayos nang nawasak na mga gusali at bahay sa Marawi. Inaasahan din nila na malapit nang matapos ang krisis na ito sa Marawi upang masimulan na ang pagsaayos at makabalik na ang mga evacuees sa sari-sarili nilang mga tahanan. Samantala, 15Milyon naman na donasyon ang ibinigay nang China para sa marawi. - FUNPINAS NEWS



No comments:

Post a Comment