Saturday, June 10, 2017

More Fun sa Caramoan Islands



ANG Caramoan ay isa ngayon sa dinadayo ng mga turista at sikat na pasyalan sa ating bansa na talaga namang napakaganda ng lugar dito. Ang Caramoan ito ay matatagpuan sa lowest eastern part ng Camarines Sur sa Bicol Region V Philippines, na dito ay tiyak na mag e-enjoy ka sa ibat ibang beach, mga isla at iba pang mga magagandang tanawin sa lugar na ito.

Tiyak naman na mae-enjoy mo ang kagandahan nang lugar na ito sa pamamagitan nang tinatawag na island hopping o ang paglilibot sa mga isla. Kaya kung mahilig ka sa adventures tara na pumunta na sa mga isla sa Caramoan, siguradong mage-enjoy ka sa rock climbing sa tinatawag na limestone cliffs, mag explore sa ibat ibang kweba, pagswimming, scuba dive.

Sa gabi naman ay sigurado mong mae-enjoy pa rin ang kagandahan ng kalikasan, sigurado na matatanggal ang iyong stress sa napakasarap na simoy ng hangin habang pinagmamasdan mo ang mga nagniningning na mga bituin sa kalangitan. Marerelax ka rin sa mga tunog na maririnig mo sa gabi ang alon ng dagat, ang hangin, pati na ang para bang awit ng kalikasan sa gabi kaya kung gustong mong malaman kung anu yun pumunta na sa Caramoan!!!

Mga puedeng gawin sa Caramoan Island :


Stand Up Paddle


Cliff Jumping


Kayaking


Bouldering


Island Hopping


Slacklining

Hindi lang yan nanjan rin ang Camping, Rock Climbing, Trekking, Snorkeling, Rappeling.

Ano pa ang hinihintay nio tara na! kunin na ang inyong mga gamit at pumunta na sa Caramoan bisitahin ang mga nakapagandang isla at makita ang magandang tanawin na siguradong mag-eenjoy ka at mawawala ang iyong stress at pagod dito!!!

How to Visit Caramoan? Click Here

Its More Fun in Caramoan Philippines.

Photo Credit: caramoanislands.com

No comments:

Post a Comment