Tuesday, March 7, 2017

BLOG #4: NaruHina or HiNaru Pinoy Fans Must Read



NaruHina "Naruto and Hinata" or HiNaru "Hinata and Naruto" ilan lamang yan sa mga tawag sa sikat ngayon na love team sa mundo ng anime ang Naruto, at marami din sa mga Pinoy ngayon ang paborito ang dalawang anime character na ito.

Ang totoo di naman talaga ako big fan ng Naruto nasimulan ko lang siya pero di ko nasubaybayan ang kwento kasi naman ang haba haba at marami ng episodes na bago, pero nung papalapit na matapos ang Animated Series ng Naruto, aba nagsimula ako manood at nakakakilig nga ang Love Story nina Naruto and Hinata, lalo na sa animated series na The Last : Naruto Movie. 

Si Naruto ang naging inspirasyon din ng maraming kabataan na sa una ay ang gusto niya lamang ay mapansin siya ng mga tao magkaroon ng atensyon sa kaniya at dahil sa kaniyang pagsisikap naabot niya ang kaniyang tunguhin na maging Hokage at Hero ng mga Village.

Si Hinata naman ang shy type girl na simula pa sa pagkabata meron nang lihim na pagtingin kay Naruto na sa tuwing kakausapin na siya ni Naruto nagsisimula na siyang Mamula at hinihimatay pa nga.

Ngayon papalapit na matapos ang animated series ng Naruto, kaya naman patuloy na inaabangan ng lahat ang The Big Day ang Wedding ng dalawa. Excited na ang lahat para dito, sana nga naman gawin nilang bongga ang ending sa animated series ng Naruto dahil napamahal na ito sa masa.

Marami na ang pinaluha, pinatawa, pinainis nito kaya naman talagang mamimiss nang lahat ang anime na ito, pero sabi ng writer ay wag daw magaalala dahil sa Boruto na bagong animated series ay talagang papagandahin ang kwento kaya hindi daw dapat maging malungkot pa.

Bueno si Boruto ay anak nina Naruto and Hinata at sana ipagpatuloy parin ang nakakakilig na love team nina Naruto and Hinata sa bagong animated series na ito..

Ikaw fan ka rin ba ng Naruto? Ano ang masasabi mo sa loveteam na NaruHina o HiNaru? Share mo na yan !!

1 comment:

  1. dati rin gusto ko para kay naruto si sakura.. pero ngayon gusto ko si hinata na hahaha... ang cute kasi nila hehe

    ReplyDelete