Sunday, February 19, 2017

BLOG #1: Totoo ba na Walang Forever?


Sabi nila wala daw Forever! HaHa wala nga bang forever?

Bakit kaya nila iyan nasasabi?
Tingnan natin ang ilan sa mga bagay na wala daw forever :
1. LOVE LIFE 
May maririnig tayo minsan pag may dumadaan na magkaholding hands magkahawak ang kamay sasabihin nang isa “MAGHIHIWALAY DIN KAYO!!” haha diba? may naririnig na ba kayo na ganyan o ganyan din kayo? hahahaha
Nararamdaman nang ilan yan dahel :
– TRIP LANG NILA kasi wala silang kasama sa buhay, sa madaling salita walang LOVELIFE!
– NBSB/NGSB SILA NO BOYFRIEND NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH 
– FRIENDZONE na kung saan hanggang magkaibigan lang sila, kaya naman wala daw forever!
– Kulang ang Tiwala sa sarili kung sa lalaki pag laging busted sumusuko na kasi wala daw forever pag sa babae wala daw nanliligaw sa kaniya kaya ayon naka tunganga nalang sa isang tabi
– EXPERIENCE dahel naeksperyensyahan na nila na sila ay niluko kaya sinasabi nila “naku pare pareho lang mga yan!” at ang ilan naman ay nakakaeksperyensiya sa personal o sa loob nang pamilya
– IMPLUENSYA NANG MGA KASAMA dahel diyan feeling nila walang forever na haha.
2. BUHAY
dahel diyan pag hindi na nakakayanan ang isang problema, nagpapa…? oh gets nio? xD
Nararamdaman naman nila yan dahel :
– NEGA.. masyadong negative magisip
– OA Over Acting kahit hindi pa nangyayari, nagpapanic na nagiging oa na!
– Problema sa sarili, pamilya, pera, hanap buhay at marami pang problema 
– Nawawala ang buhay Tumatanda at.. ta da dan.

3.FRIENDSHIP/KAIBIGAN
sinasabi nang ilan na pag ikaw ay nakaharap parang isang anghel anjan na para bang true friend mo pag nakatalikod naman ayan kabaliktaran na xD
Nararamdaman nila yan dahel :
– Niluluko sila nang mga naituring nilang tapat na kaibigan
– MR LONELY feeling nila  magisa lang sila
– walang nalalapitan pag kailangan nang tulong
– wala sila nang tinatawag na communication skills
Ilan lang sa mga yan ang masasabi natin na wala daw forever, kaya nagtatanong tayu about jan kung ilalagay natin sa percentage ay :
IIIIIIIII 85% halos nakakaramdam nang walang forever sa love life.
IIIII 10% naman para sa mga nakakramdam na walang forever sa BUHAY
III 5% naman sa Friendship o wala silang kaibigan.
Bakit mas mataas ang nagsasabi na walang forever sa Love Life eh paano naman kasi mapa pelikula o sa mga babasahin sa mga kwento laging naririnig ang walang forever at tumutukoy sa LOVE LIFE hahaha
Ang tanong ito na : wala nga bang FOREVER sa mga bagay na yan? 

1. LOVELIFE 
– Kung trip nio lang haha wala tayong magagawa niyan trip nio yan eh ika nga walang basagan nang trip haha pero kung ipagpatuloy nio yan baka hindi talaga kaya makakakuha nang forever hahaha. pero ito ang masasabi ko sainyo pag dumating na may isang babae o lalaki na magpatibok jan sa puso nio baka matapos na ang pagtitrip nio na walang forever at masabi nio na may forever nga
– Kung NBSB NGSB kayo naku, hindi rin yan ang sagot para sabihin na walang forever kung nangangarap kayo na magkaroon din kayo nang forever nio ang dapat niong gawin kung kayo ay lalaki tumayo at hanapin si forever at kung babae naman kayo ipakita nio ang mga magandang katangian hindi lang yong magandang kaanyuan! pero higit sa lahat mapa lalaki o babae ka man MAGHINTAY na dumating ang takdang panahon na magkaforever ka sabi nga ni Lola Nidora sa Tamang Panahon xD
– kung kayo ay nanliligaw at naFriendzone anu na susuko nalang ba tayu? kung susuko tayu at kumain nang ampalaya eh tumayo ka na manong wag sumuko, malay mo sinusubukan ka lang naman nang girl diba? maraming ganyan na pangyayari sumusuko na ang ilan naghahanap nang iba pero may gusto naman pala sa kaniya yung friend niya. kaya imbes na maghanap agad nang iba wag muna sumuko sige lang i treasure mo muna ang pagkakaibigan niyo hanggang sa magkaIBIGan na kayo haha, basta dito pag nafriendzone kayo angkop pa rin dito ang takdang panahon.
– Magkaroon nang tiwala sa sarili ipakita mo kung anong meron ka anung magandang katangian mo kakayahan ipakita mo kung sino ka!
– May pangit ka man na experince hindi yon maging hadlang para maging bitter ka! kailangan yon na maging tungtungan mo para muling lumaban at harapin ang bukas ganern! hahaha
– Para talaga na may forever ka kailangan na maging Mature ka sa physically emotionally kasi kung hindi wala rin mangyayari lalo na pag dumating yung mga hamon sa pagsasama nio! kaya kung gusto nio na magkaforever haha maghanda rin kayo sa
– pera : gagamitin nio yan pag ikakasal na kayo haha magastos ang pagkaroon nang LL at FOREVER
2. BUHAY
Kung sawa na kayo sa buhay wag nio kaming idamay haha! joke lang.. naku kailangan nio lang na maging matatag.. minsan nagiging ganyan tayo dahel sa takot pero ito ang ating tandaan. \
“sometimes you gonna get throught your fear to see the beauty in the other side” – The Good Dinosaur
Totoo yan kaya wag na mag nega ang isip wag masyadong mabahala sa mangyayari kinabukasan isipin mo yung ngayon anu ka ba!! ahhaha
Kung ngayon sasabihin mo na mamatay man lang tayu naku wag mo na kami idanmay ayaw pa namin kaya nga kung mamatay naman tayu diba kailangan na i enjoy din natin ang buhay dahel nahinga pa tayu? tsaka kung ganyan ka subukan mo nang magbasa nang bibliya hehe kasi sa bible may Forever Lasting Life baka yan makatulong sayo. ðŸ˜›
3. Friendship 
Ito tandaan mo iwan ka man nang kaibigan mo nandito ako haha nandito si DJ Geeky mo para sayo haha..
Minsan mga kaibigan kailangan din natin tingnan ang mga dahelan na may forever talaga ang lupa na kinatatayuan natin ang dagat ang nasa paligid ligid natin may linga hahaha.. i mean may forever wag tayu masyadong magpapaapekto sa mga nababasa naririnig natin na walang forever kaya ngayon palang umpisahan mo nang huwag kumain nang maraming ampalaya haha no bawas bawasan mo sa sobra mong kain nang ampalaya yan tuloy pati ikaw bitter na bitter na teh! hahaha
Kung may nais kayong linawin, i komento, banggitin pa na mga dahelan na walang forever at may forever ! i comment na yan at pagusapan natin yan! kaya para sainyo? MAY FOREVER BA O WALA? at bakit?

1 comment: