ANG isa sa pinakamasakit na maranasan sa mundo ng pag-ibig ay ang ma "FRIEND ZONE".
Ano nga ba ang FRIEND ZONE?
- Nagmahal ka ng kaibigan pero hanggang kaibigan lang ang tingin sayo.
May dalawang bagay ang FRIEND ZONE
1. Itinatago mo ang pagtingin mo saiyong kaibigan, hindi mo masabi sa kaniya ang iyong nararamdaman, natatakot ka na masira ang inyong samahan at pagkakaibigan.
2. Nagtapat ka saiyong kaibigan ng iyong pag-ibig ang resulta? sasabihin saiyo "Sorry Bes hanggang friend lang talaga ang pagtingin ko saiyo, Mahal kita bilang kaibigan"
Totoo, pareho nga naman na masakit ito kung nangyari saiyo, ang pagtatago ng nararamdaman sa isang kaibigan ay napakasakit lalo na kung nakakita na nang forever ang kaibigan mo at ikaw, kumusta? nasa isang tabi naka "nga-nga".
Mas maganda na itago ang nararamdaman kaisa itapat mo ang iyong pag-ibig saiyong kaibigan kung nakikita mong hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin saiyo ng kaibigan mo, kung baga bawas sakit yan, at mapapanatili mo ang inyong pagsasama bilang magkaibigan, wika nga kung alam mo na
masasaktan ka sa gagawin mo, gagawin mo pa ba?
Pero, nasa iyo pa rin iyan kung susugal ka sa pagkakaibigan niyo pero asahan mo na ang maging resulta nito.
Kung malakas ang loob mo at kaya mong harapin ang anuman na resulta, go for it! malay mo nga naman na hindi pa pala huli ang lahat na kahit na friend zone ka sa una may pag asa pa pala na maging kayo in the future.
Anuman ang choices mo na gagawin nasa saiyo iyan, pero kahit anong mangyari itapat mo man sa hindi Friend Zone ka parin, HUWAG KANG SUMUKO, pahalagahan mo pa rin ang pagkakaibigan nio kung paano mo siya pinahalagahan at minahal noon nang hindi ka pa Friend Zone.
Accept the reality na hanggang magkaibigan lang kayo pero huwag mong hayaan na lamunin ka nang lungkot.
Be Patient, wag mag mag madale malay mo may mas hihigit pa pala kaisa sa kaniya. D
Tulad ng binaggit natin sa una, Huwag kang sumuko malay mo nagmamasid din siya at nang nakita niya na hindi ka sumuko ma-fall in love si bes sayo.
Ikaw na Friend Zone ka na ba? Ano ang ginawa mo? Please share us your Story .. ^_^
No comments:
Post a Comment