Sunday, February 19, 2017

De Lima Hindi Nagpapatalo


DAHIL sa masigasig na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Droga maraming mga opisyal sa gobyerno ang  pinaiimbestigahan at pinaparatangan dahil sa Droga at isa na nga dito ay si Senator Leila De Lima na inaakusahan na nakakatanggap daw ito nang maraming pera galing sa mga naka presong "drug lords", at isa sa mga nagpapalakad nang Droga sa bilibid.
Kaya naman ayon kay Justice Minister Vitaliano Aguirre, tatlong kaso ang kanilang ipinataw laban kay Senator De Lima. "This is not the product of politics, this is the product of drug trading,'' kaniya pang idinagdag.
Kahit na marami ang tumestigo laban sa kaniya kasama na diyan ang kaniyang Driver Body Guard na si Mr. Ronnie Dayan, Jaybee Sebastian at ibang mga preso na nakabilango sa bilibid.
Patuloy parin na naninindigan si Senador De Lima na hindi daw siya sangkot sa illegal na droga at lahat nang mga alegasyon sa kaniya ay wala daw itong katotohanan.
Nagbabala pa siya sa mga ito, na hindi siya magpapatalo at patuloy na gagampanan ang tungkuling nakaatang sa kanya.
Iba iba naman ang mga naging reaksyon dito nang mamamayan may mga naawa, naiinis, o ang iba naman ay nagagalit kay Senador De Lima.
Ano sainyong palagay?

No comments:

Post a Comment